78

Jul 22, 2018 @ 10:14
By

Panadero sinaksak ng kabaro

SUGATAN ang isang 52-anyos na baker nang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan sa trabaho habang nag-iinuman sa Imus City, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimangsi Rodrigo Nacion ng Brgy. Diamond Village, Bry Anabu 2F, Imus City, Cavite sanhi ng saksak sa katawan.

Arestado naman ang suspek na si Macky Ajero, 30, ng Brgy. Diamond Village, Bry Anabu 2F, Imus City, Cavite.

Sa report ni SPO1 Allan Reyes ng Imus City Police Station, dakong 11:30 ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng Nice York Baker sa Commissioner Marquez Avenue, Diamond Village, Brgy Anabu 2F Imus City, Cavite.

Nauna dito, nagkayayaang nag-inuman ang biktima at suspek kasama ang ilang kasamahan sa trabaho nang sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay nagtalo hanggang sa kumuha ng kutsilyo ang suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima.

Tinangkang tumakas ang suspek subalit naabutan siya ng mga rumespondeng barangay tanod na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: