Panadero

Panadero na-hit and run, patay

Sharing is caring!

Patay ang isang panadero matapos mabiktima ng hit and run sa Taal, Batangas.

Natagpuan na lang na nakahandusay sa kalsada ang bangkay ng biktimang si Michael Luneta na unang inakalang biktima ng salvage, sa ulat ng DZMM.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang biktima dahil sa lakas ng pagkakabangga.

Posibleng umanong malaking sasakyan ang nakabundol sa biktima at tinakbuhan gaya ng truck dahil sa tinamo nitong pinsala sa katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?