18
views
bato1
By

Pamumuno ni Bato, kinumpara sa ‘roller coaster ride’

Sharing is caring!

Inihambing ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa “roller coaster ride” ang kanyang panunungkulan sa PNP.

Binalikan ni Dela Rosa ang halos dalawang taong pamumuno sa PNP partikular ang mga hamon na kanyang hinarap bilang hepe ng pambansang pulisya.

Ayon kay Bato, nakaranas siya ng maraming ‘ups’ and ‘downs’.

Pero, kahit nakakahilo at nakakapagod, kanyang sinabi na sulit at kuntento siya sa pagtatapos ng kanyang karera sa PNP.

Sinariwa ni Dela Rosa ang ‘lowest point’ ng kanyang panungkulan kung saan dumating sa puntong ginusto niya nang magbitiw sa puwesto dahil sa kaso ng pagpatay sa Koreanong si Jee Ick-Joo.

Inalala niya rin ang pagharap sa Senado kung saan napaluha siya dahil nagmukha siyang walang kalaban-laban bilang resource person sa harap ng mga senador.

Kinimkim niya raw ang kanyang sama ng loob dahil kahit may katuwiran ay hindi siya makapalag sa mga senador na nagbabato ng mga tanong.

Inihayag naman ni Dela Rosa ang kanyang “highest point” sa panunungkulan sa PNP ay ang tagumpay sa war on drugs ng pamahalaan na tinanggap ng publiko.

Masaya rin umano siya dahil saan man magpunta ay nakikilala siya ng mga tao.

“Everytime I go out kahit saan ako magpunta magkagulo ‘yung mga tao, bata, matanda, babae, lalaki, mayaman, mahirap, lahat sila ay mag-congratulate sa iyo at gusto magpa-selfie at napapasalamat nang taos-

puso sa ginagawa ng PNP lalo na sa war on drugs,” sabi ni Dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?