126

May 15, 2021 @ 16:44
By

Pamumuhay sa Maynila sobrang mahal? Ilang netizens duda

Pinagdudahan ng ilang mga netizen ang statisko na nagsasabing ang halaga na kailangan ng isang tao upang mabuhay sa Maynila ay P50,800 sa loob lamang ng isang buwan.

Ang naturang statistiko, na pinost ng GMA News sa Twitter, ay mula sa pag-aaral ng Malaysia-based firm na iPrice.


Lubhang nagulat naman ang ilang netizen sa statistikong ito. May ilang hindi makapaniwala na ganito kalaki ang kailangan para mabuhay sa Maynila sa isang buwan – lalo na’t ang statistiko ay para sa isang tao lamang.

“I honestly don’t spend this much every month including monthly rent, bills and all necessities,” saad ng isang netizen.

“Now I need to increase my spending, at least double it, to be at par with that 50k living standard,” sarkastikong pahayag ng isa pang nag-komento.

“How was this number is arrived at? We have to be cautious in making sweeping generalizations without looking into the details,” sambit naman ng isang nagduda rin sa statistiko.

“wow Php50k+ cost of living of a SINGLE person??? i wonder if araw-araw starbucks ang kape nito,” dagdag pa ng isa.

Ayon daw sa pag-aaral ng iPrice ay ang siyudad ng Maynila ang pangatlo sa timog-silangang Asya sa may pinakamahal na uri ng pamumuhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?