372

Oct 4, 2021 @ 15:34
By

‘Pampanga’s Best’ founder pumanaw na

Yumao na ang nagtatag ng iconic brand na “Pampanga’s Best” sa edad na 84.

Sa Facebook, nagbigay ng tribute ang Pampanga’s Best para kanilang namayapang founder na si Leticia “Lolita” Olalia Hizon.

https://www.facebook.com/PampangasBestInc/posts/4359434617438379

Ayon sa anak na si Jomar Hizon, pumanaw si Ginang Leticia noong October 2 dahil sa renal failure.

Si Hizon ang nagpasikat sa tocino noong 1960s.

Sinimulan niya ang tocino business para suportahan ang pamilya habang nagtuturo siya sa public elementary school kalaunan ay binitiwan niya ang pagiging guro nang lumago ang negosyo nila ng asawang si Angelo. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?