401

Mar 29, 2020 @ 18:45
By

Pampanga mayor pinasara ang ospital na nagpasok ng COVID patient galing QC

Inutos ni Angeles City, Pampanga Mayor Carmelo Lazatin Jr. ang pagsasara ng Philippine Rehabilitation Institute (PRI) makaraang magpapasok umano ng coronavirus disease (COVID-19) patient at tatlong patient under investigation (PUI) na galing sa Quezon City.

Binawi din ng alkalde ang business permit ng opsital dahil sa paglabag umano sa memorandum of agreement na magpapasok lang ito ng mga COVID-19 patient mula sa Angeles City.

Ani pa ng alkalde, dahil sa aksiyon ng PRI nalagay sa panganib ang siyudad.

Naglagay na ng mga pulis sa ospital para siguruhin ang kaligtasan ng lugat at maiwasa ang paga-admit ng mga pasyente o hinihinalang may COVID-19 na manggagaling sa labas ng siyudad.

Sasailalim din sa quarantine ang mga tao sa loob nito.

Nabatid umano ng alkalde na Sabado nang gabi nang payagan umano ng mga opisyal ng ospital na makapasok ang isang nagpositibo sa virus at noong Biyernes naman ay tatlong PUI.

“The city government will also prepare legal actions against PRI for putting the entire Angeles City in danger. Under my term, hindi na mabubuksan yang hospital na yan,” sabi ni Lazatin.

“Wala na pong makakapasok sa syudad Angeles maliban na lamang sa pagkain, medical emergency na hindi connected sa COVID 19 at yung iilang nakasaad sa direktiba ng DILG,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?