176

Dec 8, 2017 @ 10:46
By

Pampanga ‘da best’ sa pagkain, marami pang maganda – Duterte

Ang lalawigan ng Pampanga ang “best choice” ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa pagkain.

Sa kanyang pagdalo sa Kapampangan Food Festival na ginanap sa Clark Freeport Zone, sinabi ng Pangulo na masarap ang luto ng Pampangueño bukod pa sa maraming putaheng pagpilian.

Bagamat marunong ding magluto ang mga Ilonggo at Cebuano, simple lang aniya ang kanilang mga putahe gaya ng mga tinolang manok,tinolang isda at prito, hindi katulad ng mga Kapampanganan na may “sauce” subalit hindi maikumpara sa iba ang sarap ng mga putahe.

“Masarap talaga ang luto ng Pampangueño. Marami kayong menus, recipes, maybe because of the influence of all, americans, the spaniards and the native talent of the Pampangueños,” ang pahayag ng Pangulo.

Pero bukod sa masarap na pagkain, pinuri rin ni Pangulong Duterte ang mga babaeng Kapampangan na aniya ay mapuputi na magaganda.

“This is not a sexist statement ha. Maraming magaganda dito sa Pampanga. Maniwala kayo gi-flying kiss ko nga yung isa kanina. Even the image, iyong pagka-iskulpto ng mukha. I don’t know how many tribes got mixed here but really, it is a good one like the food,” ani Pangulong Duterte.

Kasabay nito ipinaabot ng Presidente sa mga taga-Pampanga na marami siyang natutunan kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo na tinawag niyang “boss” lalo na aniya sa isyu ng law and order.

“Si Ma’am ang boss ko, si President Arroyo. And I know that you know that I owe a lot sa kanya, though I was not really a member of the cabinet or what not, but I was a very close confidant,” ang dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?