552

Jun 30, 2019 @ 15:01
By

Pamilya Sotto todo-suporta kay Vico sa kaniyang panunumpa bilang bagong Mayor ng Pasig

Nanumpa sa tungkulin bilang bagong mayor ng Pasig City ang 29-anyos na si Vico Sotto nitong Linggo (June 30) sa Pasig City Sports Complex.

Opisyal nang magsisimula ang kaniyang termino bilang bagong mayor ng naturang lungsod.

Nanumpa si Sotto sa harap ni Commission on Audit (COA) chairman Michael Aguinaldo.

Dinaluhan ang naturang oath taking ng mga miyembro ng pamilya ni Sotto, kanilang mg aka-alyado at mga taga-suporta.

Present sa naturang kaganapan ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, maging ang mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa. Hindi rin mawawala ang ina ni Vico na si Coney Reyes na todo suporta sa anak.

Nanumpa na rin sa tungkulin ang kaniyang running mate na si Pasig City Representative Roman Romulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?