90

Jan 14, 2022 @ 18:24
By

Pamilya Sotto hindi political dynasty – Tito

Ibinasura ni vice presidential aspirant Vicente “Tito” Sotto III ang mga sinasabing nagiging political dynasty na ang kanilang pamilya.

Sinabi ng Senate president na hindi masasabing “dynasty” ang pamilya Sotto.

Paliwanag niya, kung lahat sila ay sa iisang lugar lamang tumatakbo, marahil ay maaari silang matawag na “dinastiya” ngunit hindi ganoon ang sitwasyon nila.

“There’s no dynasty. The Mayor Vico is in Pasig. My son is in Quezon City. If we are all in one place perhaps you can call that as a dynasty but we are not,” ani Sotto sa panayam sa ANC.

Dagdag niya: “There’s no one running for the Senate now that my term is ending. I don’t think we fall under that category.”

Tatlong miyembro ng pamilya Sotto ang tumatakbo sa iba’t ibang posisyon sa Quezon City, Pasig at Parañaque habang target ng Senate president na maluklok sa pagka-bise presidente ng bansa.

Ang anak niyang si Quezon City Vice Mayor Gian Carlo Sotto ay puntiryang ma-reelect gayundin ang pamangkin niyang si Pasig Mayor Vico Sotto.

Samantala, ang niece-in-law ni Sotto na si Nina Celine ay nais namang palitan ang asawang si Wahoo bilang konsehal ng 2nd District ng Parañaque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?