195
Pamilya Sanchez pagbabayarin ng P12.6M danyos
Sep 3, 2019 @ 16:26
By

Pamilya Sanchez pagbabayarin ng P12.6M danyos

Bukas ang Department of Justice (DOJ) na pagbayarin ng halos P12.6 milyon ang rapist at murderer na si Antonio Sanchez para sa mga pinsalang naidulot nito sa mga kamag-anak ng mga biktimang sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Sa ikalawang pagdinig ng Senado hinggil sa isyu, hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kalihim ng departamento na maghain ng writ of execution sa Korte Suprema upang puwersahang makapagbigay danyos ang kampo ni Sanchez.

“Wouldn’t justice dictate that your prosecutor should move for the issuance of a writ of execution for the Sanchez family to pay P12,671,900 which is already final and executory. As a matter of policy, as a matter of justice?” pagtatanong ni Drilon.

“As a matter of justice, yes,” sagot naman ni Guevarra.

26 taon na ang nakalilipas matapos ang insidente at pag-uutos ng Korte Suprema na bayaran ang ilan sa P12 milyon na pinsala ay wala pa ring natatanggap na compensation ang mga pamilya ng biktima mula sa kampo ni Sanchez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?