88

Dec 25, 2019 @ 21:41
By

Pamilya sa Cavite niregaluhan ni Alden

Personal na pinuntahan ni Alden Richards ang isang pamilya sa Cavite upang handugan ng pamasko bago siya pumunta sa South Korea.

Kinuhanan ng news reporter ang pagbibigay ni Alden sa pamilya na pagsasaka ang ikinabubuhay. Lubos ang ngiti sa mag-anak dahil nakita na nila ang Asia’s Multimedia Star, binigyan pa sila ng regalo.

Samantala, winter Christmas ang nalasap ng pamilya ni Alden. Jackpot din ang ilang Pinoy sa SK nang makita nila si Alden at pumayag magkaroon ng litrato sa kanila.

Babalik siya para sa 2020 Countdown special na gaganapin sa seaside ng Mall of Asia. Bahagi rin si Alden ng bagong Sunday musical variety show na January 5, 2020 ang simula.

Mensahe sa Twitter ni Alden sa araw ng Pasko, “Sa lahat ng taong naging parte at parte pa rin ng buhay ko, maraming salamat sa inyo.

“Binuo nyo ang aking pagkatao.

“Maligayang Pasko po. LORD maraming salamat po sa lahat ng biyaya ninyo. Love you LORD. Happy Birthday.”

Merry, merry Christmas sa lahat ng Abante readers!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?