453

By

Pamilya Prieto, kakasuhan ng plunder ni Duterte

Sharing is caring!

Desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na panagutin at kasuhan ng plunder ang pamilya Prieto dahil sa hindi pagbabayad ng buwis at patuloy na pangongolekta ng renta sa lupang pag-aari ng gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na nagpasasa ng kalahating siglo ang mga Prieto at pinakinabangan ang government property pero hindi naman ibinigay sa gobyerno ang buwis na dapat bayaran ng mga ito.

Sa pagkakataong ito, ayon sa Pangulo, ay makikita ng publiko na may mayamang makakasuhan ng plunder.

“Yang Inquirer? Fifty years ang lease. After 50 years no — walang renewal, and the property already returned to the government’s assets. Ang Inquirer they continued to collect for another 50. They never returned the money.

“And it’s series… Ang plunder kasi one transaction, maski na more than 50, ang threshold is 50 but more than one transaction ‘yan. Pero itong kolekta mo, all these years ng Prieto pati doughnut, that is plunder,” anang Pangulo.

Bukod sa isyu sa renta, sinabi ni Pangulong Duterte na mahigit P1 bilyon ang atraso ng mga Prieto sa gobyerno sa hindi binayarang buwis ng kanilang Dunkin Donut.

“Now, you want to see a rich person go to prison for plunder? They will go to prison. We will pay for our sins, the rich and the poor,” dagdag pa ng Presidente.

Binatikos ng Pangulo ang mga Prieto dahil sa paggamit ng kanilang pahayagang Daily Inquirer para pagtakpan ang kanilang mga ginagawa sa pamamagitan ng pagbanat at pagbatikos sa mga politiko at opisyal ng gobyerno.

“And all the while, when they published about you, about kay ma’am, editorialized, we are pictured to be the demons of the Republic, that we were stealing left and right.

“For your information mga Prieto, walang transaction sa gobyerno na umaabot sa table ko, either the night table in my room or ‘yang table ko sa Malacañan. Walang dumadating sa akin,” dagdag na pahayag ng Pangulo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?