904

By

Pamilya Pacquiao na-starstruck kina Curry, Durant

Sinusulit ni Manny Pacquiao kasama ng kanyang pamilya ang pamamalagi sa Amerika matapos ang kanyang madaling laban kontra kay Adrien Broner para madepensa ang WBA welterweight title.

Sa Instagram post ng kanyang maybahay na si Jinkee, kita ang paghihintay nito sa dugout kung saan dumaan ang mga NBA MVP na sina Stephen Curry at Kevin Durant, pati na rin ang dating Finals MVP na si Andre Iguodala.

“Kilig to the bones ang peg ko!” saad sa caption ni Jinkee.

Dati nang nakita ng anak ni Pacquiao na sina Jimuel at Michael si Curry noong 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?