16

By

Pamilya Pacquiao, na-starstruck kay Ji-Chang Wook

Sharing is caring!

Nagpaka-fan mode ang pamilya ni Senador Manny Pacquiao nang makaharap at makita nang personal si Korean superstar Ji-Chang Wook.

Sa Instagram post ni Jinkee, makikita ang mga larawan kung saan kasama niya at kanyang pamilya ang Korean actor.

“Hi Ji Chang Wook. I am so blessed and happy to have finally met you,” sabi ni Jinkee sa caption ng larawan.

Noong nakaraang taon lang nang walang pagsidlan ang tuwa ng misis ni Pacquiao nang makatanggap ito ng autographed items mula kay Ji-Chang Wook.

Ilan sa kilalang Korean dramas ni Ji-Chang Wook ang “Smile Again”, “Warrior Baek Dong-soo” at “Empress Ki”. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?