41
ABANTE TNT palawan governor joel reyes free court jail
By

Pamilya Ortega, dismayado sa paglaya ni Ex-Palawan Gov. Reyes

Sharing is caring!

Ikinagulat at nadismaya ng pamilya ni Dr. Gerry Ortega, pinaslang na mamamahayag at environmentalist sa Palawan, ang paglaya ng pangunahing akusado sa krimen na si Dating Palawan Governor Joel Reyes.

Si Reyes ay nakalaya noong Biyernes mula sa Puerto Princesa City Jail matapos ang mahigit dalawang taong pagkabilanggo makaraang baligtarin ng Court of Appeals ang finding of probable cause ng mababang hukuman laban sa kanya.

Sa isang pahayag, sinabi ni Michaella Ortega, anak ni Doc Gerry, na ikinagulat nila ang desisyon ng appellate court lalu pa’t ito ay lumabas ilang linggo lamang bago ang anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama.

“Our family is still recovering from the shock of yesterday’s (January 5) CA decision ordering the release of former Palawan Governor Joel Reyes, the known mastermind for the murder of radio broadcaster, environmentalist, and anti corruption advocate Dr Gerry Ortega.

“This decision comes a few weeks before the 7th year anniversary of Doc Gerry’s murder. 7 years of fighting for justice and press freedom,” bahagi ng statement ni Michaella.

Tinukoy pa ni Michaella na hindi pa nila natatanggap ang kopya ng desisyon at pag-uusapan umano nila ng kanilang abugado kung ano ang kanilang magiging susunod na hakbang.

Kasabay nito, nanawagan din siya sa lahat na manatiling mapagmatyag.

Si Doc Gerry ay pinaslang sa Puerto Princesa City noong January 24, 2011 na kilalang environmentalist, mariing tumututol sa pagmimina at nagbunyag ng umano’y anomalya sa paggamit ng pondo mula sa Malampaya gas field. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?