20

Oct 9, 2021 @ 15:53
By

Pamilya niratrat, nakaiwas kay kamatayan

Nakaligtas ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem ngayong Sabado sa Urdaneta City, Pangasinan.

Kinilala ang mga biktima na sina Armando Callanta, 62, asawa niyang si Marivic, 60, at anak nilang si Jomil, 30-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:00 a.m. ng madaling araw ay ipaparke sana ni Jomil ang kanyang motorsiklo sa harap ng kanilang tahanan nang dumating ang mga suspek at siya’y pagbabarilin.

Dahil sa ingay ng putok, nagising ang mag-asawa at paglabas ng bahay ay pinaputukan din sila ng mga salarin.

Sa kabutihang-palad, sa kamay at binti lamang tinamaan ang mag-anak at nadala agad sa pagamutan.

Agad na nakaalis ang mga suspek. Iniimbestigahan pa ang pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?