44

Jan 7, 2022 @ 16:07
By

Pamilya ni Tugade sapol ng Omicron

Naka-isolate ngayon si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade matapos magpositibo sa COVID-19 ang kanyang pamilya.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People matapos hindi makadalo ang kalihim sa pulong nitong Huwebes .

Ayon sa Pangulo, walang sakit si Tugade subalit kinakailangang mag-isolate dahil nagkaroon ito ng exposure sa kanyang pamilya.

“Si Tugade is not sick, nag-isolate lang. Ang problema kasi yung pamilya. Naghawaan nga lahat nitong buang na — ano ‘to, si Omicron,” anang Pangulo.

Si Tugade ang pang-apat na gabinete na naka-isolate matapos ma-expose sa may COVID-19.

Naunang nag-isolate sina Health Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Carlito Galvez at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?