134
ABANTE-TNT-napoles-discount
Dec 20, 2017 @ 13:42

Pamilya ni Napoles, 75% ang discount sa piyansa

Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang apela ng pamilya ng diumano’y pork barrel scam mastermind Janet Napoles na bawasan ang P22 milyong piyansa ng mga ito kaugnay ng 900 milyong Malampaya fund scam.

Sa desisyon ng Sandiganbayan Third Division na pinamumunuan ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, pnayagan nitong ang kahilingang maka-discount sa piyansa ang mga anak ni Napoles na Jo Christine at James Christopher, at tiyuhin nitong si Ronald Francisco Lim.

Sa halip na magbayad ng P22.3 milyong piyansa, inatasan ng anti-graft na magbayad ang tatlo ng P5,577,500 kada isa 75 porsiyentong diskuwento para sa kanilang pagsamantalang kalayaan.

Sa kabuuhan, mula sa P66.9 milyon, magiging P16.83 na lang ang piyansa ng pamilya Napoles.

Mula sa P30,000 bawat paglabag sa Section 3(e) of Republic Act No. 3019, ginawa na lang itong P7,500 bawat isa; at mula sa P200,000, magiging P50,000 na lang ito bawat bilang ng kasong malversation through falsification of public documents.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?