47

Oct 8, 2020 @ 9:42

Pamilya ni Kristoffer Martin COVID-positive

SDC

Binahagi ni Kristoffer Martin na nahawa at nagpapagaling na sa COVID-19 ang kanyang pamilya.

Sa isang Facebook post kagabi, sinabi ng aktor na nasa Maynila siya nang makaranas ng sintomas ng sakit ang kanyang pamilya.

“Ang lala ng prayers ko simula nung lumabas unang result kay mama tapos sumunod si Tan at dad… Iba yung bagsak ko nung naconfirm ko na nagpositive sila,” sey niya.

“Ang layo ko. Pero pinilit ko umuwi ng Gapo. Kasi kailangan nila ako. Pag bibili ng gamot, ng groceries, ng iba pang kailangan nila kasi bawal sila lumabas ng bahay,” aniya pa at kinuwento na “natuto ako mag grocery mag-isa jusko.”

Iba aniya ang trauma dahil “Yung mga thoughts ko kung san san na napupunta,” at mahirap aniya ang naranasan “kasi yung feeling na mag-isa kang dapat maging matapang kasi ikaw lang aasahan.”

Pero sunud-sunod naman ang pasasalamat ng aktor dahil “ang lala ng pagmamahal na binuhos” ng mga “taong nandyan sakin,” gaya ng kanyang dyowa na si AC Banzon at mga kapwa-celebrity na sina Bea Binene at Alden Richards.

“Salamat at di ko naramdaman mag-isa ako. Sa lahat ng kaibigan ko na nagdasal. Maraming salamat sa inyo. Sobrang laki ng bagay na kinakamusta niyo ko. Salamat,” sambit ni Martin.

“SOBRANG LAKAS NG PRAYERS GUYS!,” aniya pa at binansagan nang “my three survivors” ang kanyang pamilya.

https://www.facebook.com/KristofferMartinOfficial/photos/a.2043565889207140/2907770032786717/?type=3&__xts__%5B0%5D=68.ARDRJ-MDhu-MMmpbgpssNAtu9SPS2GUI8NXQBxicro_FPyttV-GEvZ8VkzMvoQB-yM16lDq_4Kb3Ng1wI8XkSy5susATr4tDXvXBufLsq3ZMrttNN4lcxeH-KkiXNOJaCHngwkFVbNSlg3xprUa2sWxVwR_xhjiPd7H8a-bGwNL-Jce80LvShhrNirMtVyUf11DsdtMPai6XP2uKvoBiFXMSfGhszNAay_4_nDujkAQO6ycCY1c_IL_DNth5ptcBcIOST85sbPgt07Bv4TGXRVVulqHW1U-Ah06rdRjll2jqBo2td0urPv4dL0Uh2RP5Ma33zOC2CsBKOniedlNnZw0G3z03&__tn__=-R

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?