143

Dec 14, 2017 @ 14:09
By

Pamilya ni FPJ, niregaluhan ang mga bata sa MNC

Isang simpleng seremonya lang ang ginawa ng mga kaanak at mahal sa buhay ni Fernando Poe Jr., sa ika-13 death anniversary nito ngayong araw.

Nag-alay ng misa ang mga kaanak at mahal sa buhay ni FPJ bilang paggunita sa anibersaryo ng pagyao ng tinaguriang Action King of Philippine Movies.

Dinaluhan ito ni Sen. Grace Poe at ng maybahay ni Da King na si Susan Roces at ng iba pang kaanak kung saan naglagak din sila ng mga bulaklak sa puntod ni FPJ.

Bilang parte ng programa ay namigay din ng regalo ang pamilya Poe sa mga bata na naninirahan sa Manila North Cemetery (MNC) o mas kilala bilang mga batang zombies. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?