206

Feb 16, 2018 @ 9:25
By

Pamilya ng Pinay na namatay sa Taiwan quake, tatanggap ng P2.8M ayuda

Aabot sa P2.8 milyon ang tatanggaping benepisyong pamilya ng Pinay na nasawi sa 6.4 magnitude na lindol nitong nakaraang linggo mula sa pamahalaan ng Taiwan at sa mamamayan nito.

Si Melody Albano Castro, isa mga nasawi sa naganap na lindol sa Hualien, Taiwan ay makakatanggap ng NTD$ 1.79 million Taiwan Dollars (katumbas ng PHP 2.8 million) mula sa gobyerno ng Taiwan consolation, compensation, insurance claims at mga voluntary donations.

Bukod dito, ang Taiwanese community sa Pilipinas ay nagbigay din ng P250,000 para sa mga naiwan ni Castro.

Pebrero 14 ng dumating sa bansa ang bangkay ni Castro.

Nagpahatid nang pakikiramay ang mga opisyal ng Taiwan sa mga naulila ni Castro.

May 150,000 OFWs ang kasakuyang nagtratrabaho sa Taiwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?