365

Nov 25, 2017 @ 15:59
By

Pamilya ng napisak na rider, nagpa-areglo sa P200K

Nakalabas na ng kulungan ang driver ng trak na nakapatay sa isang binatilyong motorcycle rider sa Muntinlupa City noong Huwebes ng hatinggabi.

Nabatid na nakipag-areglo ang pamilya ng biktimang si John Mark Navarro sa driver na si Teddy Gotis, ayon kay SPO1 Zandro Quijote, ang imbestigador ng kaso.

Sinabi pa ni Quijote na mahigit P200,000 ang hiningi ng pamilya ng biktima mula kay Gotis at ang halaga ay sasagutin na ng amo ng driver.

Magugunita na galing sa birthday party si Navarro at nasa impluwensiya ng alak nang suwayin ang pakiusap ng mga kapatid na huwag nang mag-motor sa pagbili ng sigarilyo.

Sa bahagi ng national highway sa Barangay Putatan, sumalpok si Navarro sa palikong minamanehong truck ni Gotis para mag-deliver naman ng gasolina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?