39

Jun 2, 2020 @ 21:49
By

Pamilya ng mga health worker na namatay sa COVID-19 ‘di pa nababayaran – Angara

Wala pang mga health worker ang nakinabang sa compensation package na nakasaad sa “Bayanihan To Heal as One Act”, tatlong buwan mula nang maisabatas ito.

Ito ang ibinunyag ni Senador Sonny Angara habang tinatalakay ng Senado ang Senate Bill (SB) No. 1564, o “Bayanihan to Recover as One Act”.

“We are told that because there is no IRR (implementing rules and regulations), no one has been able to avail of it,” pahayag ni Angara batay umano sa pahayag ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) na dumalo sa plenary debate ng Senado.

Bago ito, tinanong ni Senador Richard Gordon tungkol sa update ng implementasyon ng Section 3 (f) ng RA 11469 na nagbibigay ng P100,000 kompensasyon para mga health worker na nahawaan ng virus at P1 milyon naman sa mga namatay dahil sa COVID-19.

“I’m very disappointed to hear the response of the DOH. The Senate labored the midnight oil to pass the Bayanihan 1,” sabi ni Angara, chairman ng Senate finance committee at sponsor ng SB 1564.

“It’s quite upsetting to find out that so many months have gone without the DOH crafting the IRR here. So many health workers have suffered,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Gordon, chairman ng Philippine Red Cross, 32 health worker na ang namatay sa COVID-19 habang 2,600 na ang nahawaan.

Sa mga nahawaan, 1,172 ang active cases habang dalawa naman ang “severely ill”.

“That’s a serious neglect. We should call the attention of whoever shall provide this because 32 have died and 2 severely sick that should be given some support,” sabi ni Gordon.

Binatikos din Senador Panfilo Lacson ang DOH dahil sa pagkabigo nitong bigyan ng kompensasyon ang mga health worker na hanggang ngayon ay nasa frontline ng giyera kontra COVID-19.

Sabi pa ni Lacson, hindi na kailangan pa ng IRR para dito dahil ang benepisyo ay nakapaloob naman sa RA 11469.

“The government owes them P32 million. It’s in the law. The lack or absence of the IRR should not be an excuse not to comply with the law because we expressedly…inserted that provision,” ani Lacson.

Sinabi naman ni Senador Francis Pangilinan hindi katanggap-tanggap ang hindi pagbibigay ng DOH ng kompensasyon sa mga health worker.

“This is truly disappointing, truly indicative of the lack of compassion whoever in the DOH is supposed to provide this IRR. This is unacceptable and unforgivable. We seek the Senate leadership’s intervention to make sure this is addressed squarely and immediately,” ayon kay Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?