111
Reklamong kriminal vs Duque sa unang batch ng Dengvaxia cases, ibinasura
Jun 24, 2019 @ 17:51
By

Pamilya ng mga Dengvaxia victim, kakasuhan si Duque ng plunder, graft

Nahaharap si Health Secretary Francisco Duque sa kasong graft at plunder na inireklamo ng mga magulang ng mga batang nabiktima ng Dengvaxia.

Ito ay kaugnay ng lease sa pagitan ng Educational and Medical Development Corporation, na family corporation nina Duque at ng PhilHealth Region I.

Ayon sa complaint, may conflict of interest sa nasabing kasunduan dahil si Duque ang dating chairman ng PhilHealth.

Nakinabang umano si Duque sa pag-upa ng tatlong floor ng PhilHealth sa Dagupan City, na nagkakahalaga ng P529,261.20 kada buwan noong nakaraang taon.

Saad pa sa reklamo, naka-leave lang si Duque bilang director ng EDMC noong oras ng transaksiyon at may parte pa rin ng kompanya na pagmamay-ari nito.

“EMDC where respondent Duque III is a substantial stockholder entered into a Lease Contract with Philippine Health Insurance Corporation, where Duque is also an ex-officio chairman,” saad sa complaint.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?