56

Apr 19, 2020 @ 20:21
By

Pamilya nakakuha ng P5.5K cash aid, huli sa pagsusugal

Arestado ang tatlong mag-anak matapos na mahuli sa akto ng pagsusugal nitong Sabado.

Nadakip ang tatlong suspek sa labas ng kanilang bahay sa Barangay 37, Calayab, Laoag City.

Ang dalawang nahuling babae ay nabunyag na may natanggap na P5,500 cash aid mula sa social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development.

Samantala, isa pang lalaki ang kasama nila kung saan nakuha ang pantayang pera at baraha.

Kakasuhan ang tatlo sa ilalim ng Anti-Gambling Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?