284

Feb 25, 2020 @ 16:56
By

Pamilya magkakasamang tumikim ng droga

Mas naging mapagmahal at maintindihin umano ang isang pamilya matapos nilang mapagdesisyunang subukan ang paggamit ng droga.

New Year’s Eve sa Boracay, napagdesisyunan ng pamilya ni Hannah Tan-Gillies na subukan ang hallucinogenic drug na LSD (lysergic acid diethylamide).

Tiniyak naman aniya nilang 1) meron silang kasama na hindi gagamit, 2) galing ang droga sa mapagkakatiwalaang source (gaya ng malapit aniyang kaibigan), at 3) sila’y nasa ligtas at komportableng lugar kapag gagamit na.

Matapos aniya nilang kumain, bandang alas-9:30 ng gabi, Disyembre 31, 2019, sabay-sabay nilang ginamit ang maliliit na LSD square.

“It was like a gentle wave slowly washing over my body. I became more aware of the feeling of the warm breeze on my skin, and of the sand under my feet. Slowly, I became more attuned to my surroundings. At once fully immersed in the universe, yet at the same time completely aware of my own consciousness. It was like my inner monologue was unfolding in real life,” wika ni Tan-Gillies sa Metro UK article na may petsang Pebrero 22, 2020.

“A few minutes to midnight, I glanced towards the beach to see my mum and her partner dancing together by the shore. My typically shy brother performed a light show on stage, to the utter delight of myself and other intoxicated partygoers,” kwento pa niya.

Hindi aniya nila pinagsisisihan ang 10-oras na kakaibang karanasan bilang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?