318

By

Pamilya binastos! Angelica ipahahanap ang walang modong taxi driver sa Paris

Nanggagalaiti si Angelica Panganiban sa isang taxi driver sa Paris matapos singilin ang kanyang pamilya ng 450 euros o may katumbas na higit P25,000 para lang sa isang biyahe.

“Hello! Kailangan ko po ng tulong. Yung family ko sa Paris, nag-taxi from the airport, at sinisingil sila ng 450 euros papuntang accomodation nila malapit sa Eiffel tower. So hindi po ginawa ng kapatid ko dahil alam niyang sobra sobra ang singil sa kanila,” ayon sa Kapamilya actress.

Ayon kay Angelica, sinigaw-sigawan umano ang kanyang kapatid ng taxi driver matapos na pumalag ito sa bayad, hinampas pa matapos niyang kunan ng picture ang taxi driver.

“Sinigaw sigawan niya ate ko, kuya ko at pamangkin mo. Hinampas niya kamay ng ate ko dahil kinunan niya ng picture. Natatakot sila ngayon dahil alam nung driver kung saan sila nakatira,” saad pa.

Nang magkasundo na ang driver at pamilya ni Angelica sa bayad ay tinapon pa umano ng tsuper ang pera ng mag-anak.

“Pumayag yung driver na mag settle sa 100euros and $60 dahil yun na lang laman ng wallet nilang tatlo. Tapos hinagis yung pera ng pamilya ko sa kalsada.”

Dahil dito’y inis na inis ang aktres at gustong pumunta sa Paris at ipahanap ang taxi driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?