138
ABANTE ping lacson npa gobyerno
Sep 3, 2018 @ 13:23
By

Pambobomba sa Mindanao, posibleng may kinalaman sa BOL – Lacson

Pinagsabihan ni Senador Panfilo Lacson ang ground security forces at intelligence community sa Mindanao na pagbutihin ang imbestigasyon sa mga pagsabog sa Sultan Kudarat at Masbate.

Iginiit na tuntunin kung may kinalaman ito sa bagong batas na Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ang BOL ay bunga ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ikinababahala na manganak ito ng bagong rebeldeng grupo dahil mismong ang MILF ay umusbong nung makipagkasundo sa gobyerno ang Moro National Liberation Front (MNLF).

“I just hope na hindi related ang bombings sa BOL. Kasi this has become a vicious cycle. Kapag kinausap ang isang grupo, may umuusbong na panibago,” pahayag ng senador.

Nitong araw ng Linggo, nagkaroon ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat at Masbate.

May nagpasabog din noong nakaraang Martes sa Isulan, Sultan Kudarat kung saan tatlo ang nasawi at higit 30 ang sugatan.

Muli namang binigyang-diin ni Lacson na hindi pa dapat ikunsidera ang extension ng umiiral na martial law sa Mindanao.

“I think the better solution is for the ground forces, especially yung intelligence units natin to really stick their nose on information, keep their ears on the ground and paigtingin ang intel operations,” sabi ng senador na dating pinuno ng Philippine National Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?