36

Oct 17, 2021 @ 18:29
By

Pambato ng Pinas wagi sa Mr. Gay World 2021

Itinanghal na kampeon ng Mr. Gay World 2021 ang pambato ng Pilipinas na si Kodie Macayan ngayong Linggo.

“Thank you to the Mr. Gay World CEO Eric G Butter and Mr. Gay World Organization as well as our dear judges panel for giving me this opportunity to represent and serve the gay community in the world,” pahayag ni Macayan sa kanyang FB post.

“I can’t wait to make a change in the lives of the LGBTQ+ in the world together with this beautiful organization.”

Ginanap na virtual ang kompetisyon ngayong taon.

Inuwi rin ni Macayan ang Personal Interview award at Best in National Costume award.

Si Macayan ay unang nakilala sa ‘I Am PoGay’ segment ng ‘It’s Showtime’ kung saan siya ay naging finalist.

Si Macayan na ang ikatlong pambato ng Pilipinas na nagwagi sa Mr. Gay World. Ang una ay si Janjep Carlos habang ang ikalawa ay si John Raspado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?