26

Jan 23, 2021 @ 20:29
By

Pambato ng Korea sa Asia Cup puro petmalu

Kabuuang 12 manlalaro lang ang ipapadala ng Korea subalit bawat isa ay maituturing na siyang pinakamahusay sa kanilang nagpahiram na kinabibilangan na koponan sa Korean Basketball League (KBL).

Maglalaro lamang ng apat na laro sa loob ng limang araw ang Korea kaya magpapadala lamang ito ng 12 manlalaro para sa isasagawang bubble sa Clark, Pampanga para sa huling window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Ang 12 manlalaro ay sina Ra Gun-ah (Ricardo Ratliffe), Kim Jongkyu, Kang Sangjae, Lee Seunghyun, Yeo Junseok, Jeon Junbeom, An Youngjun, Lee Kwanhee, Byeon Junhyeong, Kim Nakhyeon, Heo Hoon at Kim Sirae.

Base sa rule ng FIBA sa bawat laro sa qualifiers, ang mga koponan ay maaaring magpadala ng maraming manlalaro hangga’t gusto nila bagaman kailangan na ideklara sa kanilang pool sa pederasyon at isumite ang huling lineup 24 na oras bago maganap ang laro.

Puwersado ang Korea sa sumabak sa ikatlo at huling window matapos itong maparusahan at mamultahan dahil sa hindi paglalaro sa Manama, Bharian window dahil sa takot sa COVID-19. Nagresulta ito sa pag-abot ng FIBA sa KBA ng P8.6-milyong multa at pagbawas ng dalawang puntos sa standings.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?