298

Jun 30, 2019 @ 18:11
By

Pambabatok ni Dzakovic kay Bermillo, may kaparusahan

Inaabangan pa ng Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. ang lalabas na resulta ng imbestigasyon na ginagawa ng Premier Volleyball League tungkol sa insidente ni BaliPure import Danijela Dzakovic.

Binatukan nitong Sabado ni Dzakovic ang kanyang teammate na si libero Jewelle Bermillo sa laban ng Water Defenders kontra Creamline sa second round reliminations ng 3rd Reinforced Conference 2019.

Ayon sa LVPI, maglalabas lamang sila ng mga karampatang aksyon kapag nagsumite na ang PVL ng report at napag-aralan na nila ang isyu.

“LVPI shall wait for the results of the PVL investigation before anything else,” pahayag LVPI president Pedro ‘Peter’ Cayco nitong Linggo.

Hindi pa rin naglalabas ng official statement ang liga tungkol dito.

Ayon sa International Volleyball Federation na mas kilala sa French acronym na FIVB, paparusahan ang mga player na nagpakita ng aggression katulad na lang na pisikal na pananakit o pag-atake sa gitna ng laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?