116
jv
By

Pambabastos ng China sa WPS, iprotesta na – Ejercito

Sharing is caring!

Kinalampag ni Senador JV Ejercito ang Department of Foreign Affairs (DFA) para magsampa na ng diplomatic protest laban sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa senador, bastusan na ang nangyayari sa WPS dahil hindi lang basta nagtayo ng mga paliparan at istruktura ang China sa tatlong bahura kundi nagpasok pa ng missile system.

“Medyo sobra na ito. By installing missiles ay sobra nang pambabastos sa ating soberanya. Sana kumilos na ang DFA at mag-file ng diplomatic protest dahil sobra na,” diin ni Ejercito.

Sinabi pa nitong maaaring ipagpatuloy ng pamahalaang Pilipinas ang ugnayang pangkalakalan at ekonomiya sa China pero hindi maaaring palagpasin ang pagpasok sa teritoryo ng bansa.

“Dapat kondenahin natin ‘yan. I support this administration sa mga programa nito, pero dito sa palagay ko dapat mag-file na tayo ng diplomatic protest dahil sobrang pambabastos. One of our constitutional duties is to protect our territory,” dagdag nito.

Una nang sinabi ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano na mayroon na silang “diplomatic action” ukol sa ginagawa ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?