163
Pamasahe ng buong pamilya ni Kai Sotto sinagot ng Chooks
By ,

Pamasahe ng buong pamilya ni Kai Sotto sinagot ng Chooks

Sinagot ng Chooks-to-Go ang pamasahe ng buong pamilya ni Pinoy basketball prodigy Kai Sotto pauwi ng bansa para sa pagsasanay nito.

Aasahan na lalapag ang pamilya Sotto sa Maynila ngayong araw, Biyernes, matapos umalis sa Atlanta, Georgia nitong Huwebes.

Balik-Pilipinas si Kai para magsanay kasama ang Gilas Pilipinas Youth na sasabak sa 2019 FIBA Under-19 World Cup sa Heraklion, Greece.

“We always promote the importance of family in Chooks-to-Go,” sabi ni Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas. “Kaya we can’t let Kai come back home alone. Ervin and Pamela need to be with him dahil alam namin na na-miss na nila yung Pilipinas.”

Malaki naman ang pasasalamat ng pamilya ni Sotto sa walang sawang pagtulong ng Chooks-to-Go at nangako ang 17-anyos na manlalaro na ibibigay nito ang lahat sa darating na torneo.

“Chooks-to-Go is my one and only corporate sponsor and financial supporter for my U19 campaign,” ani Kai. “Sorbang thankful ako sa Chooks for making this happen.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?