18

Oct 12, 2021 @ 14:53
By

Pamasahe hanggang P1.26 lang itataas – LTFRB

Hanggang P1.26 lang umano ang papayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na idagdag sa pamasahe sa jeep.

“Kung pagbabasehan po natin ‘yung atin pong formula na ginagamit po base po d’on sa memorandum circular na pinalabas po ng board at batay po d’on sa mga increases ng atin pong petrolyo, based doon sa’ming computation po kung babalikan natin ‘yung year-on-year na increase po eh mga at least, hindi po lalampas ng P1.26 more or less po,” pahayag ni LTFRB Executive Joel Bolano ngayong Martes.

Ito ay sagot ng LTFRB sa panawagan ng grupong Pasang Masda na itaas P3 ang pamasahe.

“Tungkol po d’on kung ito po ay iga-grant ng ating board, ayaw ko naman pong i-preempt ‘yung decision ng ating board,” dugtong pa ni Bolano.

Ang panawagang taas-pasahe sa jeep ay dulot ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

“Ito po ay aaralin base po doon sa situation natin ngayon lalo na po sa presyo po ng ating langis sa ngayon sa merkado. Malalaman po natin ‘yan ‘pagka po ayan ay na-evaluate na at napa-receive po sa atin ng ating mga petitioner,” ani Bolano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,