332

Dec 11, 2017 @ 11:58

Pamangkin ni Duterte, bagong exec director ng Nayong Pilipino

Itinalaga ang isang kamag-anak ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang executive director ng Nayong Pilipino entertainment park sa Paranaque City.

Ayon sa report, nilagdaan na diumano ni Duterte ang nomination ni paper ni Maria Fema Duterte noong Disyembre 7 bilang executive director ng Nayong Pilipino Foundation Inc.

Noong petsa ding iyon kinumpirma ng Pangulo ang kanyang appoinment bilang miyembro ng Board of Trustees ng nasabing foundation.

Si Maria Fema ay pamangkin ni Duterte. Tumakbo siya bilang board member ng Cebu noong nagdaang eleksiyon subalit natalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?