530
Dating OFW sa Saudi, huli sa buy-bust sa Valenzuela
Jun 14, 2019 @ 13:31
By

Asawa ng pamangkin ni Bong Revilla, timbog sa matataas na kalibre ng baril

Arestado ang isang abogado na asawa ng pamangkin ni Senador Bong Revilla matapos itong makumpiskahan ng matataas na kalibre ng baril na walang lisensiya sa isang checkpoint sa Imus, Cavite Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ang nadakip na si Atty. Manuel Moyco, residente ng Adarna St., Margelo Subdivision ng nabatid na bayan.

Nilinaw naman ni Revilla na malayong kamag-anak niya si Moyco.

Nakumpiska sa suspek ang isang M-16 armalite rifle; 2 submachine gun; isang 5.56 armalite rifle; 1 ingram machine pistol; 1 kalibre .45, 1 9mm at isang kalibre .38; mga magazine at mga bala ng nasabing baril na pawang mga walang lisensiya.

Sa ulat, naaresto ang suspek ala-1:30 ng madaling-araw sa isinagawang checkpoint ng mga tauhan ng CIDG Region 4 at Imus Municipal Police Station sa kahabaan ng Tamzui Avenue at harapan ng Jetti Gas Station sa Barangay Bayan Luma.

Lulan ng gray Innova ang suspek na may plakang ZAX 460 nang dumaan sa nasabing checkpoint.

Napag-alaman na si Police Staff Sargeant Jimmy Nara ang siyang nagsagawa ng visual search sa sasakyan ng suspek at doon nakita ang isang maikling kalibre ng baril kaya tinanong ng pulis ang suspek kung may kaukulang papeles ito subalit walang maipakita ang abogado.

Sa isinagawang pagsisiyasat pa sa sasakyan ay nakuha pa rito ang mga nasabing malalakas na uri ng baril, magazine at mga bala na pawang mga wala ring lisensiya.

Sa ngayon ay nakakulong ang suspek sa Imus MPS habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kaniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?