133

By

‘Pamangkin’ ni ‘Bato’ inireklamo ng estafa

Sharing is caring!

KINASUHAN ng estafa at paglabag sa Batas Pambansa (BP) 22 sa Quezon City Prosecutors Office ang nagpapakilalang pamangkin ni Bureau of Corrections Chief Ronald “Bato” Dela Rosa at kasabwat nitong isang Intsik matapos lokohin ang isang negosyante na pinangakuan ng double your money scheme sa isang ghost project.

Sa reklamo ng Wizard of the Philippine Coast Inc sa pamamagitan ng abogadong si Atty. Cipriano Robles sinabi nito na nag-ugat ang kaso nang makilala ng kanyang kliyente na hindi tinukoy ang pangalan ang isang Billy Ruel dela Rosa na kamag-anak umano ni dating PNP Chief dela Rosa at ang kaibigan nitong si Bermin Tiu.

Isang common friend umano ng kanyang kliyente na si Jerriane Ejercito ang nagpakilala sa dalawang akusado at pagkaraan ay kinaibigan ito.

Maituturing umano sa istilo ng budol budol, ay napapayag nina dela Rosa at Tiu ang biktima na mag-invest ng P30M sa isang Asphalt Pavement Replacement Project na gagawin sa Dr. JP Rizal Avenue sa Makati City at pagkaraan ng ilang buwan ay dodoblehin ang investments na magiging P60M.

Ipinalabas umano ng mga akusado na si Billy ay isang contractor sa national at local government projects at nakagawa at nakatapos na ng maraming infrastucture projects at sa kasalukuyan ay mayroon pang proyekto sa Makati.

Maliban sa pagpopondo sa proyekto ay wala na umanong gagawin ang biktima dahil ang mga papeles ay aayusin na umano ng dalawa kung saan nagbigay pa ang mga akusado ng dalawang Post dated checks na nagkakahalaga ng P30M bawat isa na may petsang Marso at Abril 2018.

Subalit taliwas sa nasabing garantiya at pangako na may pondo ang nasabing mga tseke ay kapwa tumalbog ito.

Ayon kay Atty. Robles sa kanilang pag-iimbestiga ay lumalabas na ghost project ang pinondohan ng kanyang kliyente at ang P30M na ibinigay ng biktima ay napunta sa pagpapagawa ng three storey modern residential house ni Billy na kinontrata sa inhinyerong si John Marie Lumdaang sa halagang P32M.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?