88

Jul 9, 2019 @ 17:56
By

Pamamayagpag ng Smartmatic, puputulin ni Imee

Inihain sa Senado ang isang panukala na naglalayong palitan ang Smartmatic at mabigyan ng pagkakataon ang ibang election service provider sa susunod na eleksiyon sa 2022.

Sa Senate Bill 221 na inihain ni Senadora Imee Marcos, sinabi nitong dapat baguhin ang Republic Act 8436 kung saan tanging ang Smartmatic lang ang napiling election service provider ng Commission on Elections.

“Dahil sa probisyong ito, wala nang pipiliing iba ang Comelec kundi Smartmatic. Inilagay sa batas ang Smartmatic control sa automated elections ng ating bansa,” ayon kay Marcos.

Binigyang-diin ng senadora na dapat bigyan ng pagkakataon ang iba pang service provider para sa patas at malinis na eleksiyon sa 2022 national elections.

Dagdag pa nito, dapat mahinto na ang pamamayagpag ng Smartmatic para maging mas transparent ang resulta ng halalan.

Noon pa man aniya ay marami na ang nananawagan na palitan na ang Smartmatic dahil sa hinalang nagkakaroon ng manipulasyon sa bilangan ng boto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?