223

Mar 4, 2020 @ 18:11
By

Pamamaril sa van ni Kim Chiu, kaso ng ‘mistaken identity’?

“I don’t have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napagtripan?.. This is a bad joke.”

Ito ang ipinost ng aktres na si Kim Chiu sa kaniyang Instagram makalipas ang isang oras nang paulanan ng bala ng baril ang kaniyang sinasakyang van sa Katipunan Avenue, Quezon City nitong Miyerkoles ng umaga, Marso 4.

“A lot of you heve been texting and calling. Can’t answer right now. Thank you for checking on me. Means a lot. Yes I am safe po. I’m ok and my P.A. and my driver as well. Papa Jesus protected us. 6am on my way to taping, I was asleep inside may car then i heard several gun shots, 8 to be exact,” kuwento ni Kim sa kaniyang Instagram.

“I was shocked and ask my driver what happened, then i saw this bullet on the windshield where my head is laying “buti nakahiga ako” Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?… I was so scared, I dont know what to feel right now. Wala naman akong kaaway or ka atraso. Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa. Sana tiningnan nyo muna ang plate number bago nyo paulanan ng bala yung kotse ko but at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin. God protect us,” base pa sa post ng aktres.

Una rito ay nagulantang ang industriya ng showbiz, mga fans at publiko nang mapabalitaang pinaulanan ng hindi pa nakikilalang riding in tandem ang itim na Hyundai van H350 na may plakang GAF-6474 kung saan lulan ang aktres kasama ang kaniyang PA na minamaneho ni Wilfred Taperla, 45.

Masuwerte namang hindi tinamaan ang aktres, kahit sa kanyang lugar ang direksiyon ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril dahil nakahiga at natutulog aktres nang pagbabarilin ang kanilang sasakyan bandang alas-6:15 ng umaga sa tapat ng UP Town Center sa stoplight ng Katipunan Avenue corner CP Garcia Avenue, Brgy. UP Campus, QC.

Ayon sa driver ng aktres, habang binabaybay nila ang nasabing lugar at pagsapit sa stoplight ay huminto sila dahil sa red signal nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril.

Unang inakala ni Taperla na ang katabi nilang Sports Utility Vehicle (SUV) ang binabaril ng mga suspek hanggang mabatid na ang sasakyan pala nila ang niraratrat kaya sumandal umano siya habang ang kasamang PA ay dumapa.

Nagkataon namang nakahiga at natutulog ang aktres kaya hindi ito tinamaan ng bala ng baril ng dalawang suspek na kapwa nakasuot ng black helmet at jacket na mabilis tumakas matapos ang pamamaril.

Sinasabi na bulletproof umano ang sasakyan ng aktres dahilan upang ang ibang bala ay hindi tumagos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?