214

Dec 7, 2019 @ 17:43
By

Pamamaril sa US naval base, kinondena ng hari ng Saudi

Kinondena ng Hari ng Saudi Arabia ang nangyaring pamamaril sa tatlong katao sa US naval base sa Pensacola, Florida.

Sinabi ni US President Donald Trump, tinawagan siya ni King Salman bin Abdulaziz Al Saud at kinondena nito ang ginawang pamamaril ng suspek na si Mohammed Saeed Alshamrani, isang Saudi military member na sumasailalim sa pagsasanay, pero napatay din ng mga awtoridad ng Escambia County Sheriff Office.

“King Salman of Saudi Arabia just called to express his sincere condolences and give his sympathies to the families and friends of the warriors who were killed and wounded in the attack. The King said that the Saudi people are greatly angered by the barbaric actions of the shooter, and that this person in no way shape or form represents the feelings of the Saudi people who love the American people,” base sa tweet ni Trump sa kaniyang Twitter account.

Kasabay nito, siniguro naman ni Trump sa Saudi King na kanilang iimbestigahan ang nangyaring pamamaril.

Aniya, agad na isinara ang Naval Air Station Pensacola na may 16, 000 military personnel at mahigit 7,00 sibilyan matapos na pumutok ang nasabing balita.

Nabatid na nag-amok at namaril si Alshamrani kung saan tatlo agad ang nasawi at walo ang nasugatan na agad namang naisugod sa ospital. Ito na ang pangalawang pamamaril na naganap sa US military base ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?