530

Mar 4, 2020 @ 19:51
By

Pamamaril kay Kim Chiu, dahil sa away pamilya?

Posible kayang pamilya ang dahilan kung bakit tinambangan si Kim Chiu?

Sa press conference noong Enero para sa ‘Love Thy Woman’, binunyag ni Kim na hindi sila ang natatanging pamilya ng kanyang tatay na si William Chiu Jr.

Saad pa nito, nasa lima ang asawa ng kanyang tatay, ngunit nilinaw nito na sila ang first family ngunit hindi ito naramdaman ni Kim habang lumalaki dahil bata pa lang siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang.

Madalang umano niyang makita ang kanyang itay, at tuwing may special event lang tulad ng recognition day o graduation niya nasisilayan ito.

“Habang lumalaki, okay na ako na wala akong father figure,” saad nito. “Pero, pag may special event, nandyan siya.”

Dahil din umano sa show na ‘Love Thy Woman’ ay saka niya nalaman na ang hirap ng kanyang mga kapatid sa labas, na dahil daw first family sila ay feeling niya na sila ang pinakamatapang.

“Kaya nga pag tinitingnan ko, pag nag-aarte kami, sabi ko, ‘Shucks, kawawa rin pala yung mga anak ng Papa ko, noh?” saad ng Kapamilya actress.

“Kasi pag first family, parang ikaw yung pinakamatapang. Now I understand what are they feeling, yung mga kapatid ko sa labas,” aniya pa.

Kung babalikan ay matagal na nawalay si Kim sa kanyang tatay, at nagkabati lang noong 2013 kung saan artista na siya matapos na malamang may sakit ang kanyang ina na si Louella Yap Chiu.

Hindi naman dinetalye kung ano ang dahilan ng samaan ng loob nina Kim at kanyang pamilya noon.

Sa nangyaring pamamaril, saad ni Chiu na hindi niya alam kung may atraso ba siya sa ibang tao kaya’t pakiramdam nito’y nagkamali lang ang mga gunman na sila’y paputukan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?