45

Jun 16, 2020 @ 17:21
By

Pamamahagi ng SAP 2nd tranche, sisimulan sa June 17

Inanunsiyo ng tagapagsalita ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Undersecretary Jonathan Malaya na sisimulan na ang distribusyon ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ngayong Miyerkoles, June 17.

Sa public briefing, sinabi ni Malaya na ang ‘pilot payout’ ng nasabing cash aid ay sisimulan sa Benguet sa Cordillera Administrative Region (CAR).

“Bukas nga po ay may pilot distribution payout na po ang DSWD [Department of Social Welfare and Development] sa Benguet sa Cordillera Administrative Region. Doon po magsisimula at sunod-sunod na po ito hanggang sa June 23,” paliwanag pa ng tagapagsalita ng DILG.

Aniya, ang mga local government unit (LGU) ay may nakalistang 4.2 milyong ‘waitlisted’ at ‘left out’ na pamilyang benepisyaryo ng programa.

“Through our coordination with the DSWD, nakalap na po natin ‘yung numero at pangalan ng mga head of the households na mga waitlisted at mga left out families sa buong bansa,” dagdag pa ng opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?