244

Mar 8, 2020 @ 17:57
By

Pamalakaya sa DOH: Libre ba ang paospital vs coronavirus?

Nananawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa Department of Health na maging transparent sa isyu ng COVID-19 pati na sa kakayanan nito at monitoring para maiwasan ang panic.

Binalaan din ng Pamalakaya ang DOH laban sa paggamit sa COVID-19 bilang dahilan para yurakan ang karapatan ng mga tao sa isang demokrasya ng magtipontipon.

“Everyone needs to be extra cautious from acquiring this deadly virus, don’t get us wrong. But we warn the government not to take advantage of this emergency situation and weaponize the disease to prevent people from doing rallies, especially if it concerns legitimate issues such as economic, civil, and human rights,” sabi ni Pamalakaya national chair Fernando Hicap.

Aniya, dapat pag-aralan ng DOH ang implikasyon ng kanilang babala laban sa mga mass gathering dahil ang mga pagbabawal nito ay maari ding gamitin sa public place tulad ng palengke, grocery, MRT at LRT, at iba pa.

Panukala ng Pamalakaya, dapat magbigay ang pamahalaan ng libreng testing sa COVID-19 para maalaman kung sino at sasan kumalat ang sakit imbes na basta-basta nalang nito sasabihan ang mga tao na huwag magtipon-tipon.

“Ano ba talaga ang programa ng gobyerno ukol dito? May kakayahan bang mag-mass testing ang DOH? Kapag may nakumpirmang kaso nito, libre ba ang pa-ospital o may suporta ba kung hindi makapagtrabaho ang mga pasyente? Dahil kung pababayaan lang ng gubyerno ang mga usaping ito ay baka hindi pa magkusang magpacheck up ang mga may nararamdamang sintomas dahil sa pag-aalala sa kabuhayan ng pamilya,” sabi ni Hicap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?