ABANTE-TNT-lacson-no-el

Palutang na ‘No El’ at term extention, turn-off sa ChaCha – Lacson

Sharing is caring!

Mismong sina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez na umano ang magiging dahilan para tanggihan ng publiko ang panukalang pag-amyenda sa konstitusyon.

Ayon kay Senator Ping Lacson, dahil ito sa pagpapalutang nina Pimentel at Alvarez sa no elections scenario (No-El) at sa term extension o pagpapalawig ng termino ni Pangulong Duterte at ng iba pang elected officials.

“Floating a no-el and term extension scenario, as recent history would suggest, won’t help their advocacy to shift to a federal form of government, inevitably via an amendment of the Constitution,” pahayag ni Lacson.

Dahil dito, hindi umano aarangkada ang ChaCha kahit hindi ito kontrahin ng mga nasa oposisyon na tutol dito.

“The opposition need not invent the best antidote to Charter change. No less than the two leaders of both houses of Congress have started campaigning against it, albeit subliminally,” pahayag ni Lacson.

Sinabi kahapon ni Alvarez na sa charter change (ChaCha), maaring hindi na idaos ang nakatakdang eleksyon sa 2019.

Sinang-ayunan naman ni Pimentel ang sinabi ni Alvarez na maaring palawigin ang panunungkulan ni Pangulong Duterte depende sa magiging amyenda sa konstitusyon at kapag ginusto ito ng Pangulo.

Ayon kay Lacson, hindi na natuto sa kasaysayan ang dalawa.

Subok na sa mga nakalipas na administrasyon na inayawan ang ChaCha dahil sa paglutang ng no el at term extension.

Hindi aniya ito makakatulong sa inaadhika ngayon ng administrasyong duterte na pagbabago ng pamahalaan tungong federal form.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?