27

Sep 11, 2020 @ 18:16
By

Palparan mananatili sa kulungan – Palasyo

Walang dahilan para pakawalan ang dating major general ng Philippine Army na si Jovito Palparan.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, kailangang tapusin ni Palparan ang kanyang 40 taon na sentensya kung hindi ito gagawaran ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“He’s been sentenced. There’s been a factual decision made by the RTC (regional trial court) na lumabag po siya sa batas. Pinatawan po siya ng parusa. And unless the President gives him pardon, he has to serve his sentence,” lahad ni Roque.

Si Palparan ay hinatulang guilty sa kidnapping at serious illegal detention dahil sa pagdukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006.

Matapos ang ilang taong pagtatago, nakita si Palparan sa Sta. Mesa, Manila taong 2018, at agad na kinulong sa New Bilibid Prison.

Samantala, naungkat ang pagkakakulong ni Palparan matapos sabihin ni dating Interior Secretary Rafael Alunan III na dapat gawaran din ng pardon ang dating sundalo matapos na palayain ni Duterte si Joseph Scott Pemberton.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?