245

Sep 17, 2018 @ 10:37
By

Palparan guilty sa pagkidnap sa 2 estudyante ng UP

Hinatulan na guilty ng Malolos Regional Trial Court si dating Major General Jovito Palparan sa pagkidnap at kasong serious illegal detention kina Sherlyn Cadapan and Karen Empeño, pawang mag-aaral ng University of the Philippines na nawala noong 2006.

Ang hatol ay ibinababa ng Malolos RTC sa pangunguna ni Judge Alexander Tamayo.

Matatandaan na mga armadong lalaki ang kumuha sa dalawang estudyante sa isang bahay sa Barangay San Miguel, Hagonoy, Bulacan, noong Hulyo 26,2016.

Itinuro si Palparan ng mga leftist group, na pinaghihinalaan ring kasangga ng New People’s Army.

Nagtago naman ang dating sundalo sa Sta. Mesa, Manila kung saan ito nadakip ng mga awtoridad noong 2014.

Kasalukuyang nakadetine si Palparan sa Army Custodial Center sa Fort Bonifacio.

Kasama sa nahatulang guilty ay sina Lt. Col. Felipe Anotado, Jr. at Staff Sgt. Edgardo Osorio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?