By

Palpak na posters ng ASEAN, binaklas na

Sharing is caring!

Inamin ng Department of Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR) na sila ang nagpakabit ng mga tarpaulin ukol sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit kung saan mali ang spelling ng pangalan ng bansa.

Ayon kay Assistant Secretary Kristian Ablan, ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), ipinabaklas at pinalitan na ng DILG-NCR ang mga tarpaulin na nakakalat sa mga lansangan na tutumbok sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Sa nasabing mga tarpaulin, “Philppines” ang nakasulat sa halip na Philippines.

Bukod sa mali ang spelling ng pangalan ng bansa, sinabi ni Ablan na hindi rin naaayon sa final artwork ng ASEAN National Organizing Committee ang disenyo at

ang mga nakasulat sa tarpaulin ng DILG-NCR.

Idiniin din na wala ritong kinalaman ang PCOO, Philippine Information Agency, Metro Manila Development Authority, Department of Public Works and Highways at ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?