65

By

Palpak na operasyon ng MRT, kasalanan ng DOTr – COA

Sharing is caring!

Sinisi ng Commission on Audit (COA) ang Department of Transportation (DOTr) sa hindi maayos na serbisyo ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa COA, ang mahabang pila sa mga istasyon ng MRT at siksikan ng mga pasahero sa tren ay dahil sa pagkaantala ng P1.296 bilyong expansion program ng DOTr.

Sa 2017 audit report sa DOTr, sinabi ng COA na na-delay ng 345 araw o halos isang taon ang delivery ng 48 bagon na binili mula sa kumpanyang Dalian Co. Ltd., na nagkakahalaga ng P3.759 bilyon.

Dahil dito’y nalugi umano ang gobyerno ng P1.296 bilyon dahil sa mga aberya sa power supply, signaling system compatibility at weight issues.

“As a result, long queues and overcrowding of passengers in Metro Rail Transit stations were not cushioned, thus affecting the welfare of the riding public and contributing to the decline in passenger ridership,” sabi ng COA.

Binanggit din ng COA na bumaba ng 20 porsiyento ang bilang ng mga sumasakay sa MRT sa nakalipas na limang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?