86
harry-roque2
By

Palpak ang intel ng BOC – Palasyo

Sharing is caring!

Kulang at mahina ang intelligence gathering ng Bureau of Customs (BOC) kaya nakapuslit ang isang tonelada ng shabu papasok sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat ay nagkaroon ng mahigpit na ugnayan o koordinasyon ang BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para hindi nakapuslit ang illegal na droga.

Nagtataka ang kalihim dahil hindi man lang na-detect ng x-ray machine ang shabu na nakalagay sa magnetic lifter.

“Ako po ay nagtataka naman dahil si Commissioner Lapeña ay nanggaling din sa hanay ng PDEA. So sana ang intel gathering nila ay mas matindi at saka mas nagse-share ng information ng sa ganitong paraan ay maiwasan ang pagpasok ng droga sa loob ng mga cargo na hindi nade-detect ng x-ray,” ani Roque.

Pero sa kabila nito,sinabi ng kalihim na nakarating na kay Pangulong Duterte ang tungkol sa nakapuslit na isang tonelada ng shabu, pero buo pa rin aniya ang tiwala nito kay Customs Commussioner Isidro Lapeña.

“Ang Presidente po buo naman ang tiwala kay Customs Commissioner Lapeña,” dagdag pa ni Roque.

Sinabi ng kalihim na kailangang mag-backtrack at alamin kung xaan talaga nanggaling ang shipment ng shabu para sa susunod ay i-ref flag ang mga shipment na kaduda-duda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?