80

Aug 16, 2019 @ 21:37
By

Palomata, Air Force liliparin ang 1st win

Hahatawin nina middle hitter Dell Palomata at Philippine Air Force Lady Jet Spikers ang kanilang unang panalo pagharap sa BanKo Perlas Spikers alas-6 Sabado ng gabi sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.

Hindi pinalad ang Lady Jet Spikers sa opening day ng liga, Agosto 11, laban sa reigning champions Creamline Cool Smashers sa score na 23-25, 20-25, 15-25.

Bitin ang sanib pwersa nina Palomata na may 14 points at open spiker May Ann Pantino na umiskor ng 10 puntos kontra tigasing Creamline.

Samantala, galing din sa pagkatalo ang BanKo Perlas nang pataubin ang mga ito ng Pacific Town Army Lady Troopers noong Miyerkoles, 23-25, 23-25, 25-17, 20-25.

Balewala ang 21 points na naihatid ni ace spiker Nicole Tiamzon at 13 markers ni opposite hitter Dzi Gervacio para sa Perlas Spikers.

Magahaharap muna ang Chef’s Classic at Motolite alas-4 ng hapon sa first game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?